Matayog ang pangarap ni Anita, isang dalagang nayon. Ibig niyang makarating sa Maynila upang doon makipagsapalaran. Hindi niya pinansin ang mga taong nagtatawa dahil sobra raw mataas ang ambisyon niya.
Ibig niyang patunayan sa lahat na may karapatan at may kakayahan ang bawat tao upang maabot ang pangarap.
Ang katwiran niya ay binigyan ng kakayahan ang bawat isa upang magawa ang mga bagay na naisin niya. Ayaw niyang tumanda at mamatay na walang naging kabuluhan ang kanyang buhay.
Ayaw ng mga magulang ni Anita na umalis siya lalo na ang kanyang ama. Anang matanda ay naibibigay naman nila sa anak ang lahat ng pangangailangan nito. Natatakot ang matanda sa mataas na ambisyon ng dalaga dahil marami itong alam na istorya ng mga babaing napariwara at napahamak sa lungsod.
"Ang araw ang lagi ninyong tingnan sa kanyang pagsikat. Laging nagsasabog ng liwanag. Laging may inihahatid na pag-asa," sagot ng anak. Madalas ay kontra siya sa ama kapag pinapangaralan siya sa ama kapag pinapangaralan siya. "Mamamatay akong nakaharap sa araw, tatang. Ayaw kong magtago sa init ng araw sa takot na masunog ang aking balat." Ibig sabihin ng dalaga ay handa niyang harapin ang anumang pagsubok makamit lamang ang pangarap.
Hindi nakuha sa pakiusap si Anita. Itinuloy din niya ang pagluwas sa Maynila para makipagsapalaran.
Matagal na panahon ding wala ni anumang balitang tinanggap ang ama at ina niya sa tunay na kalagayan niya sa lungsod. Nagulat na lang ang buong nayon ng isang umaga na kasisilay pa lang ng mga sinag ng araw ay may dumating na kotse sa kanilang lugar. Si Anita ang lulan ng magarang sasakyan.
Naging matagumpay si Anita dahil hindi natakot sa hamon ng buhay. Sa pag-unlad ng buhay ay marami siyang natulungan sa kanilang nayon.
Nagluksa ang buong n ayon nang mabalitaang pumanaw na si Anita sa isang trahedya. Nabangga ang kanyang kotse at namatay ang dalaga.
Kakatwang may isang halaman na tumubo sa paligid ng puntod nito. Ang bulaklak nitong kulay dilaw ay tila sumasamba sa araw. Anang mga tao ay tagapaggunita iyon kay Anita na naniniwalang bawat umaga ay may hatid na sinag ng araw na magbibigay pag-asa sa pusong nananalig sa pangarap at kakayahan.
May dumating na kaibigan si Anita mula Maynila. Dadalawin nito ang puntod ng dalaga. Hindi nakatiis ay nagpasama sa lugar kung saan naaksidente si Anita. Sa pinangyarihan ng aksidente napansin nila ang kakaibang klase ng bulaklak na nakasunod sa sikat ng araw. Tinawag ng kaibigan na sunflower ang bulaklak. At doon nagsimula ang pagpapa-salin-salin ng pangalan nito sa buong kapuluhan.

Hello po sino po ba ang author ng alamat na ito kailan lang po talaga
ReplyDeleteKailangan lng po talaga para sa pamanahong papel namin sa school
Deletethank you po!😍😘
Delete