Skip to main content

Alamat ng Ilang-Ilang (Legend of Ylang-ylang)

The ylang-ylang vine (Artabotrys odoratissimus) and climbing ylang-ylang (Artabotrys hexapetalus) are woody, evergreen climbing plants in the same family.

Cananga or the Ylang-Ylang is prized for its cosmetic, medicinal and aroma-therapeutic effects
During the monsoon, passers-by may hardly notice the Cananga trees (Cananga odorata- Family Annonaceae) near Technopark, on both sides of the Kazhakuttom bypass road. But they are sure enough to get a whiff of the sweet and exotic scent of its blossoms.
In the city this tree is found in some homes too. More known by the name Ylang-Ylang, Cananga is often mistaken for Champak

Legend: (Tagalog version)
Si Ilang ay nag-iisang anak ni Sultan Makal. Matanda na ang sultan at ang asawa nito nang isilang ang prinsesa. Ayon sa mga sabi-sabi, ang prinsesa ay hiningi ng Sultan sa diyos nitong mga anito kapalit ng isang pangako. Kung anong pangako iyon ay walang makapagsasabi kung ano. Sa totoo, may kakaiba ngang halimuyak ang prinsesa. Tila ito nagsasaboy ng pabango sa bawat maraanan na kaysarap langhapin. Bukod doon ay napakaganda nito. Lahat ng maraanan ng dalaga ay hindi maiiwasan ang lumingon dahil tunay na kaakit-akit ang prinsesa.

Iisa lang ang ipinagtataka ng mga nasasakupan ni Sultan Makal. Mula kasi nang ipinanganak si Prinsesa Ilang ay hindi pa nila ito nakitang yumapak sa labas ng bakuran ng kaharian. Bagamat may mga paanyaya para sa pamilya, minsan man ay hindi pinasasama ng sultan ang kanilang anak sa labas ng nasasakupan.

Isang araw isang malaking pagpupulong na dadaluhan ng mga pinuno ng iba't-ibang kaharian ang kailangan puntahan ni Sultan Makal. Sa unang pagkakataon ay mawawala sa paningin nito ang dalaga dahil magtatagal ng tatlong araw ang magiging pagpupulong.

Bagamat masaya si Prinsesa Ilang ay hindi maikakaila ng sabik siyang makita kung ano ang nasa kabila ng malawak na kaharian ng ama.

"Huwag kang lalayo," paalala ng ina nang magpaalam si Ilang na mamamasyal kasama ang kanyang mga dama.

Hindi naman nais sumuway sa ibig ng ama at paalala ng ina ay tinalo ng kuryosidad si Ilang. Sabik na sabik siyang malaman kung ano ang makikita sa kabila ng kanilang kaharian. Hindi siya napigil ng mga dama nang magpasyang lumabas sa hangganan ng sinasakupan ni Sultan Makal.

"Sandaling-sandali na lang," sabi niyang may pakiusap sa kanyang mga dama.

Kaya gayon na lamang ang sindak ng mga dama nang biglang bumuka ang lupa nang lumapat dito ang mga paa ni Prinsesa Ilang. Unti-untin nitong kinain ang dalaga hanggang mabaon sa ilalim ng lupa.

Hindi matanggap ni Sultan Makal ang nangyari sa anak. Araw-araw ay pinupuntahan niya ang lugar kung saan kinain ng lupa si Prinsesa Ilang. Ilang linggo ang makaraan ay may tumubong halaman doon. Lumaki iyon at namulaklak na ang halimuyak ay tulad ng samyo ni Prinsesa Ilang kapag naglalakat ito.

Sa tindi ng pangungulila ni Sultan Makal ay pinangalanan niya ng Ilang ang puno at ang mababangong bulaklak. Ang Ilang naging Ilang-ilang sa paglipas ng panahon.

Comments