Kampupot plant is a shrub that bears white fragrant flowers; belongs to the jasmine plant family.
Legend:
Maraming Amerikano ang nanirahan sa Pilipinas mula nang sakupin ng mga ito ang ating bansa. Ang iba sa kanila ay nakapag-asawa ng mga Pilipina.
Isa sa mga ito ang Amerikanong si Charles na umibig sa Pilipinang si Maria. Hindi man tanggap ng mga magulang ni Maria ang Amerikano ay wala silang nagawa.
Pinatunayan naman ni Charles ang matapat na hangarin kay Maria. Hiningi nito ang pahintulot ng mga magulang ng dalaga upang pumayag na pakasalan ang babae.
Samantala, hindi matanggap ni Apo Pot, lolo ni Maria, na mula sa lahi ng mga kalaban ang magiging asawa ng panganay na apo. Ang matanda ay kasamang lumaban sa mga Amerikano nang sakupin ng mga ito ang Pilipinas.
Nakakuha ng kakampi si karsing sa katauhan ni Apo Pot. Ang binata ay manliligaw ni Maria ngunit nabigo dahil si Charles ang pinili ng dalaga.
Si Karsing ang inatasan ni Apo Pot na agawin si Maria para hindi makasal kay Charles. Sa lumang kampo na inaalagaan pa rin ni Apo Pot itinago ng dalawa si Maria.
Hindi malaman ng ama at ina ni Maria at maging ni Charles kung saan ito hahanapin. Ni sa hinagap ay hindi nila naisip na si Apo Pot ang may pakana ng pagkawala ni Maria.
Inakala ni charles na nagbago na ang damdamin ni Maria at hindi maipag-tapat ng harap-harapan. Bumalik ng Amerika si Charles sa sama ng loob.
Nagkasakit si Maria. Nataranta si Apo Pot. Nang dumalaw si Karsing ay hindi nakatiis ang matanda. Inutusan nito si Karsing na ipaalam sa anak at manugang ang pag-kakasakit ng dalaga. Huli na nang dumating ang mag-asawa dahil patay na si Maria.
Napabalita sa buong bayan ang pagkamatay ni Maria sa kampo ni Apo Pot. Kaya nang may tumubong halaman at mamulaklak ng kulay puti sa pinagtaguan kay Maria, ang naging paglalarawan dito ng mga tao ay 'halaman sa kampo ni Apo Pot.' Umikli iyon nang umikli hanggang naging Kampupot.

Halaman sa Kampo ni Apo Pot = Kampupot
Comments
Post a Comment