Noong araw, kilala ang dalagang Pilipina dahil sa angking kariktan at yumi. Matagal siyang sinusuyo bago makamit ang matamis niyang pagtugon.
Sa isang baryo sa Bulacan ay may isang magandang dalaga na ubod ng bait. Ang pangalan niya ay Rosa.
Simple lamang si Rosa tulad ng iba pang mga dalaga sa baryo. Nabibilang siya sa pangkaraniwang pamilya kaya katulong siya ng mga magulang sa paghahanapbuhay. Hindi siya nahihiya kahit nagsusunog ng bilao at nagbibitbit ng basket.
"Rosa, hindi bagay sa iyo ang may sunong na bilao!' madalas na tuks sa kanya pero ngiti lamang ang itinutugon niya sa mga ito.
Malaking tulong si Rosa sa ama at ina. Iyon ang dahilan kaya iniwasan niya ang umibig. Gayunman ay hindi siya nakaiwas nang kumatok sa puso niya si Joaquin.
Matagal bago tinugon ni Rosa ang pag-ibig ni Joaquin. Naging maligaya naman siya sa kanilang relasyon. Ilang buwan na silang may unawaan ni Joaquin nang bigla na lang nawala ang lalaki. Ang huli niyang nalaman ay napikot si Joaquin at takda nang pakakasal. Labis na nasaktan si Rosa. Matagal din niyang itinago sa kanyang mga magulang at sa mga tao ang bigat ng damdamin.
Bumilang ng taon bago muling umibig si Rosa. Sa pangalawang pagkakataon ay umasa siya na wala nang magiging hadlang at hindi na siya masasaktan muli. Nagkamali siya ng akala. Tumalikod ang lalaki dahil hindi pumayag si Rosa na iwan ang mga magulang kapag nagpakasal na sila. Mahirap ipaliwanag ang sakit na nadarama ni Rosa pagkatapos ng karanasang iyon.
Nangako si Rosa na iyon ang huli niyang pag-ibig. Subalit parang biniro siya ng kapalaran. Makaraan ang ilan pang taon ay dumating sa buhay niya si Manuel. Hindi niya inakalang manloloko pala ito. Hindi sumipot ang binata sa araw ng kasal. Lubos na nasaktan si Rosa at nalagay pa siya sa kahihiyan.
Mabigat na mabigat ang loob ni Rosa. Pakiramdam niya ay hindi na makakayanan ang lahat. Hiniling niya na mamatay na lang siya sa tindi ng sama ng loob.
Nagtaka ang mga magulang ni Rosa nang bigla na lang siyang maglaho. Sa halip, isang halamang may tinik ngunit may magandang bulaklak ang tumubo sa tapat ng silid ni Rosa.
Dahil hindi na nakita ang anak, tinawag nilang rosa ang bulaklak bilang ala-ala sa nawalang si Rosa. Napansin nilang may tinik ang halaman. Isang senyal na sinumang magtatangkang pumitas ng bulaklak ay kailangan dumaan sa maingat na pagpitas upang hindi masugatan.
Sa ngayon, ang rosa ay mas kilala sa tawag na Rosas.

Comments
Post a Comment