Legend of Santan:
Ang kuwentong ito ay nangyari noong unang panahon makaraang dumating ang mga Kastilang mananakop sa Pilipinas.
Ang Santa Ana sa Maynila ay kilala dahil sa maraming mga halaman at mga bulaklak na tumutubo sa lugar.
Karamihan sa mga naninirahan sa mga karatig ng Santa Ana ay dito nagpupunta upang kumuha ng mga bulaklak na ginagawang kuwintas. Dito rin nanggagaling ang mga bulaklak na ginagamit na palamuti sa mga karosang gamit sa prusisyon.
Sa Santa Ana rin nagpupunta ang mga nahiligin sa pag-aalaga ng mga halaman para sa kanilang mga binhi dili kaya naman ay mga tudling na itatanim.
Sa isang bayan bago sumapit ang lugar ng Santa Ana ay may isang babae na matagal ng may asawa ngunit hindi nabiyayaan ng anak. Ibig na ibig niyang magkasupling kahit isa lang ngunit ilang taon na ang nagdaan ay hindi pa rin sila binibiyayaang mag-asawa.
Minsan ay nanaginip ang babae. Ayon sa panaginip ay mag-alay raw siya ng pumpon ng mga bulaklak sa kanyang altar na iba't iba ang kulay. gagawin niya ang pag-aalay sa loob ng siyan na araw ay maghihintay siya ng talong buwan at maglilihi siya.
Maliwanag ang uri ng bulaklak na ipinaaalay sa kanya. Pabilog iyon na maliit ang mga talulot at nakaikot kung kaya lumilikha ng hugis bilog. Kung saan-saang lugar siya naghanap ng ganoong uri ng bulaklak na nakita niya sa kanyang panaginip ngunit walang matagpuan ang babae at ang asawa nito.
Sa huli ay may nakapagturo sa mag-asawa na sa Santa Ana sila pumunta. Sa labis na tuwa ng dalawa ay nakakita sila ng eksaktong bulaklak sa panaginip ng babae. Sa loob ng siyan na araw ay nag-alay sila ng iba't ibang kulay ng mga bulaklak na iyon sa kanyang altar.
Tulad sa panaginip, makaraan ang tatlong buwan ay naglihi ang babae. Isan maganda at malusog na sanggol na lalaki ang isinilang niya.
Tuwang-tuwa ang mag-asawa. Bilang pasasalamat ay bumalik sila kasama ang kanilang anak sa Santa Ana at sa eksaktong lugar kung saan nila nakuha ang mga bulaklak.
Ipinagtanong nila kung ano ang pangalan ng bulaklak ngunit ni isa ay walang makapagsabi ng pangalan nito.
Nagkasundo ang mag-asawa na tawagin Santa Ana ang bulaklak na maraming maliliit na talulot at pabilog ang hugis. Sa paglipas ng panahon, isang bata ang tinanong ng isang estranghero kung ano ang pangalan ng kakaibang bulaklak. ang mabilik na sagot ng bata ay santana.
Ang santana ay umikli nang umikli at naging santan.

Santa Ana ► Santana ► SANTAN
Comments
Post a Comment