Sampaguita (Jasminum sambac) is a sweetly scented tropical flower. Belonging to the wide genus of Jasmines (Jasminum), Sampaguita is the common name of the species Jasminum sambac.
Legend:
Kilalang-kilala ang nayon ng Santo Cristo dahil sa magagandang katangian ng mga mamamayan dito at lalung-lalo na sa mga kaaya-ayang tanawin nito. Ang magkabilang kalsada nito patungo sa bayan ay may mga nakahilerang puno at mga naggagandahang mga bakod. Nagbibigay iyon ng malamig na lilim kaya ibig na ibig itong daanan ng mga manlalakbay.
Sampaguita is also known as Philippine Jasmine, Arabian jasmine, Pikake in Hawaii, Grand Duke of Tuscany, Kampupot, and Melati .
Legend:
Kilalang-kilala ang nayon ng Santo Cristo dahil sa magagandang katangian ng mga mamamayan dito at lalung-lalo na sa mga kaaya-ayang tanawin nito. Ang magkabilang kalsada nito patungo sa bayan ay may mga nakahilerang puno at mga naggagandahang mga bakod. Nagbibigay iyon ng malamig na lilim kaya ibig na ibig itong daanan ng mga manlalakbay.
Bukod sa malilim na kalsada ng Santo Cristo at magagandang mga tanawin, isa pa sa ipinagmamalaki nito ay ang magaganda nitong mga dalaga. Ang namumukod tangi sa mga dalagang ito ay si Elena. Tulad sa pangalan ay laging nakukumbida bilang Maria Elena ang babae. Hindi mabilang ang mga paanyayang tinatanggap ng dalaga upang maging tampok na kagandahan ng anumang pagtitipon. Ano pa at hindi rin mabilang ang mga binatang naghahangad ng pag-ibig niya.
Sa kabila ng lahat, tila sarado ang pihikang puso ni Elena. Wala ni isa man siyang magustuhan sa rami sa kanyang masugid na manliligaw.
Ang ibang mga binata ay nagpapatulong sa kani-kanilang mga magulang. Ang nililigawan ng mga ito ay ang ama at ina ni Elena gayundin ang mga kapatid ng babae. Subalit sa kabila nito bigo pa rin sila.
Kinausap nina Mang Anton at Aling Nina ang kanilang anak.
"Hindi sa ako ay nakikialam anak," ani ni Mang Anton, "pero lumilipas ang panahon at napansin kong hindi ka na bumabata. Wala ka pa rin bang napupusuan sa mga manliligaw mo."
Isang araw, waring sinadya ng pagkakataon, isang mangangaso ang napadpad sa Santo Cristo. Naligaw ito at kina Elena nakapagtanong. Ang mangangaso ay si Roberto, isang mayamang taga-lungsod.
Niligawan ni Roberto si Elena. Tulad ng ipinangako sa ama, nang dumating ang lalaking iibigin ay hindi na nagpakipot si Elena. Sinagot agad niya si Roberto at naging magkasintahan. Nang yayain siya ng kasal ng binata ay mabilis niyang tinanggap ang alok nito.
Maligayang-maligaya si Elena. Hindi niya inakala na saglit lang pala ang kaligayahang iyon. Dahil bago sumapit ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Roberto ay dumating ang isang babae at sinabing may pananagutan dito ang binata. Hindi nakapagkaila si Roberto nang kumprontahin ni Elena at ang kanyang mga magulang. Kahit nang humiongi ito ng tawad ay naging matigas ang loob ng dalaga.
"isinusumpa kita!" ani Elena kay Roberto.
Mula noon ay nawalan na ng kulay ang buhay ni Elena. Napuno siya ng hinagpis. Naawa sa kanya ang kaniyang mga magulang pero walang magawa. Namatay siya sa lungkot na ang tanging inuusal ay ang salitang "sumpa kita...' sumpa kita..."
Kaya nang may tumubong halaman sa kanyang libingan ay namulaklak iyon ng ubod ng puti at bango, hindi na rin nagdalawang isip ang ama at ina niya na tawaging sumpakit ang bulaklak, ang mga huling salitang binigkas ng anak bago sumakabilang buhay.
Lumipas ang mga panahon at ang mabangong bulaklak ay kinatuwaan ng marami. Ang Salitang sumpa kita ay napalitan na rin at nang magtagal ay naging SAMPAGUITA. Dahil sa katangian nito at iwing karitan, ang sampaguita ang naging pambansang bulaklak ng Pilipinas.
Comments
Post a Comment