Skip to main content

Pangyayari sa Cavite Puerto noong buwan ng Mayo 1898


MAYO 1 – Ang labanan sa Cañacao Bay (hindi Manila Bay) ng mga kastila at amerikano at ang pagsuko ng mga kastila na naganap sa tanggapan ng Arsenal ng  Cavite noong ika-12 oras ng tanghali.
Labanan sa Cañacao Bay ng mga Kastila at Amerikano noong May 01,1898
MAYO 2 – Hiniling  ni Commodore Dewey  ang pagsuko ng siyudad ng Cavite at ng Puerto

MAYO 3 – Nakuha ng amerikano ang Arsenal ng Cavite at ang unang pagtataas ng watawat ng amerikano ay naganap ng ika-8 oras ng umaga.

MAYO 19 – Dumating si Heneral Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong dala-dala ang bandila ng Pilipinas sakay ng U.S.S. McCullough. Pinagkalooban ng “21 gun salute” dumaong sa Cavite Arsenal sa pagitan ng ika-
12 at ika-1 oras ng hapon.

MAYO 21 – Si Heneral Aguinaldo ay 3 araw na tumigil at nanirahan sa Cavite Arsenal. Dumating ang napakaraming rebolusyonaryo at iprinisinta ang kanilang mga sarili kay Heneral Aguinaldo para sa pakikipaglaban.
Ang mansiyon ni Don Maximo Inocencio kung saan nanirahan si Hen. Emilio Aguinaldo.
MAYO 22 – Si Don Felipe Buencamino ay ikinulong sa bahay ni Don Antonio Osorio. Nakita niya sa tore ng bahay ng mga Osorio ang pagdating ng 270 kastilang marino na nahuli sa Alapan noong Mayo 28, 1898.

Nakita rin niya ang pagdating ng kastilang Heneral Peña kasama ang 900 sundalo na sumuko kay Heneral Trias at Hen. Ricarte sa Malabon, Cavite. (ang tore ng mga Osorio ay natatanaw ang harapan ng Teatro Caviteño  ang Himpilan Militar ni Heneral Aguinaldo).


MAYO 24 – Itinatag ni Heneral Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal sa Mansyon bahay ni Don
Maximo Inocencio sa Calle Arsenal sa Cavite Puerto. Ginawa ni Heneral Aguinaldo ang unang pagpapahayag. Sa mansiyon na ito namalagi at tumira si Heneral Aguinaldo at naging tahanan ng pambansang bandila ng Pilipinas.
Ang ospital ng mga rebolusyonaryo sa San Juan de Dios Hospital
na ospital ng mga kastila.
Ang gobyerno sibil ng mga kastila na naging opisina
ng gobyerno diktatoryal ni Hen. Emilio Aguinaldo.
Ang himpilang militar ng mga rebolusyonaryo sa Teatro Caviteño kung saan unang iwinagayway ni
Emilio Aguinaldo ang bandila ng Pilipinas
MAYO 25 – Itinatag ni Heneral Aguinaldo ang “Cuartel General” o Punong Himpilan Militar sa Teatro Caviteño sa gilid ng Porta Vaga. At ang kuwerpo ng pangkalusugan ay sa ospital ng mga kastila sa San Juan de Dios.

MAYO 26 – Inilipat ang Pamahalaang Diktatoryal sa bahay ng lumang “Gobierno Civil” ng mga kastila. Dito tinanggap ni Heneral Aguinaldo ang mga pauwing mga armas mula sa U.S.S. Petrel, 1,999 na riple at  200,000 punglo at mga amunisyon.

MAYO 27 – Ipinadala ang mga armas noong gabi sa Kawit sa baryo ng Alapan.

MAYO 28 – Unang labanan ng rebolusyon Pilipino ng taong 1898. Karugtong ng pakikipaglaban noong 1896 at 1897.
Ang labanan ay nagsimula ng ika-10 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon. Dahil sa naubusan ng bala ang mga kastila, sila ay sumuko sa mga rebolusyonaryo at pumasok sa Cavite (Cavite Puerto). Sinamantala ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagkakataong yaon at inilabas at winagayway ang bandila sa harapan ng Teatro Caviteño. Ginalang at pinagpupugayan ng mga tao at pinagbubunyi ang kalayaan ng Pilipinas. Ito’y sinaksihan ng mga opisyales ng marino ng eskuwadra Amerikano na nakipag-isa sa mga Pilipino sa kanilang hubileo.


References / Mga aklat na ginamit:
–– Reseña Veredica de la Revolucion Filipina (True Account of the Revolution) Emilio Aguinaldo
–– Sixty Years of Philippine History Felipe Buencamino, Sr. (Translated by Alfonso Lecaros)
–– La Historica Cavite - 1926 Historic Cavite-2001 Gervasio E. Pangilinan

Comments