Eminent Visayan Katipunera
October 13, 1868 - August 1947
Teresa Magbanua was born on October 13, 1868 in Pototan, Iloilo. Her parents were Juan Magbanua and Alejandra Ferraris. Her family was considerably rich.
She was sent to Manila to study and she enrolled at Santa Rosa College. She was then sixteen years old. She transferred to Sta. Catalina College in 1886, but she finished a course in teaching at the College of Doña Cecilia in 1894. She returned to Pototan to teach.
Four years later she transferred to Sara where she met and married Alejandro Balderas, a wealthy landowner. She quit teaching and live in the farm owned by Alejandro. She helped in managing the farm. Magbanua learned how to use the pistol and ride a horse.
When the revolution began, Magbanua learned that her brothers joined the uprising. She asked permission from her uncle, who was a General of the revolutionaries in Northern Panay, to join the rebellion. She was given a contingent of soldiers to lead. She experienced her first battle against the Spaniards in Barrio Yalong, Pilar, Capiz in December 1898. She also joined the battle of Sara.
Magbanua also participated in defending the city of Iloilo against the Americans on February 11, 1899. She fought in Jaro and other places in Iloilo.
When Santa Barbara fell, she was forced to wage guerilla warfare against the Americans. But when she realize the futility of fighting the Americans, she stopped fighting and returned to Sara.
When the war in the Pacific began in 1941, she supported the guerilla movement against the Japanese forces. She sold her possessions in Iloilo and left for Mindanao, and lived in Pagadian, Zamboanga del Sur. She never had a child and by that time she was already a widow. She died in 1947.
**********************************************************************************************************************************
Si Teresa Magbanua ay isinilang noong Oktobre 13, 1868 sa Pototan, Iloilo. Ang magulang niya'y sina Juan Magbanua at Alejandra Ferraris. Ang kanilang pamilya ay mayaman.
Pinapunta siya sa Maynila para mag-aral sa Koliheyo ng Santa Rosa. Labing-anim na taon siya noon. Lumipat sa Kolehiyo ng Santa Catalina noong 1886, ngunit nagtapos ng pagtuturo sa Colegio de Doña Cecilia noong 1894. Nagbalik siya sa Pototan upang magturo.
Makalipas ang apat na taon ay lumipat siya sa Sara at doon nakilala at napangasawa si Alejandro Balderas, mayamang asendero. Tumigil siya sa pagtuturo, tumira at tumulong na rin sa pangangalaga ng bukid ni Alejandro. Natuto si Magbanua na gumamit ng pistola at mangabayo.
Nang sumiklab ang rebolusyon, nalaman ni Magbanua na sumali sa aklasan ang mga kapatid niya. Humingi ng pahintulot sa tiyuhing Heneral ng mga rebelde sa Hilagang Panay upang sumali sa rebelyon. Namuno siya ng mga sundalo. Una siyang sumagupa laban sa mga Kastila sa Baryo Yalong, Pilar, Capiz noong Disyembre1898. Kasama din siya sa labanan sa Sara.
Sumali rin siya sa pagtatanggol ng Lungsod ng Iloilo laban sa mga Amerikano noong Pebrero 11, 1899. Lumaban siya sa Jaro at iba pang lugar sa Iloilo.
Nang bumagsak ang Santa Barbara, siya ay napilitang maging gerilya laban sa mga Amerikano. Ngunit ng matanto ang kawalang saysay ng paglaban sa mga Amerikano, tumigil siya at nagbalik sa Sara.
Nang sumiklab ang digmaan sa Pasipiko noong 1941 kanyang sinuportahan ang kilusang gerilya laban sa hukbong Hapon. Ipinagbili ang mga ari-arian sa Iloilo, lumikas sa Mindanao at tumira sa Pagadian, Zamboanga del Sur. Hindi siya nagkaanak at ng panahong iyon ay biyuda na siya. Namatay siya noong 1947.
Comments
Post a Comment