Skip to main content

Alamat ng Makahiya ( Legend of the Shameplant )

Mimosa pudica is a creeping annual or perennial herb of the pea family Fabaceae often grown for its curiosity value: the compound leaves fold inward and droop when touched or shaken, defending themselves from harm, and re-open a few minutes later.
Tuwang-tuwa ang mag-asawang Benita at Lucia nang isilang ang una nilang anak. Isa itong malusog at magandang batang babae.

Habang lumalaki ang bata ay napansin ng mag-asawa ang kakaiba nitong ugali. Kapag nakakakita ito ng ibang tao ay nagtatago sa likod ng ina dili kaya ay yayakap sa hita ni Benito at halos ilubog doon ang mukha. Nahirapan silang isama ang bata maging sa pagsisimba dahil hindi nito malaman kung saan magtatago kapag nakakakita ng mga tao.

Napakamahiyain ng bata kung kaya sinikap ng mag-asawa na tulungan itong labanan ang ugaling iyon. Ngunit dala na yata ng anak sa  pagkasilang ang pagkamahiyain kaya nanatiling bigo sina Benito at Lucia.

Tuwing umaga ay kasama ni Lucia ang anak sa pag-aasikaso ng kanilang hardin. Marami silang tanim na namumulaklak at naaliw ang bata sa mga iyon. Partikular nitong paborito ang mga bulaklak na kulay rosas.

Kakaiba sa nakaraang araw ang umagang iyon. Sa halip tumuloy si Benito sa bukid ay nagmamadali siyang bumalik sa bahay nila. Agad niyang sinabihan si Lucia na isama sa poagtatago ng anak  dahil may mga nagwawalang mga sundalong Kastila. Kumuha ng itak ang lalaki at humanda upang ipagtanggol ang kanyang mag-ina.

Takot ng takot ang bata habang itinatago ni Lucia sa kamalig ng mga palay. Iniwan ng babae ang anak upang iligaw ang mga sundalong Kastila. Kumuha siya ng  isang putol na kahoy pamalo at humanda rin para tulungan ang mag-asawa.

Sa awa ng Diyos ay hindi nakarating sa bahay ng mag-asawa ang mga Kastila. Dinumog ang mga sundalo ng mga galit na galit na taumbayan.

Nang nahimasmasan si Lucia, binalikan niya ang kanyang anak sa kamalig ngunit wala ito roon. Kung saan-saang lugar nila hinanap and bata ngunit hindi  nila matagpuan ito. Dumaan ang mga araw pero hindi pa rin makita ng mag-asawa ang anak.

Nasa hardin si Lucia isang umaga nang may matpakang halaman. Nang tingnan niya iyon ay biglang tumikom ang mga maliliit na dahon na tila nahihiya. May maliit ant hugis bilog na kulay rosas na bulaklak ang halaman. Naalala ng babae na rosas ang kulay na paborito ng mahiyaing anak.

Kumakabog ang dibdib, tinawag ni Lucia si Benito. Napansinng lalaki ang mabilis na pagtilkom ng dahon ng hawakan ito.  Nagkatinginan ang mag-asawa. Iisa lang ang nasa isip at sapantaha nila.

Tuluyang napaiyak si Lucia dahil alam na tapos na ang paghahanap nila sa anak. Kaya lang ay isa na itong maliit na halaman na may maganda at kulay rosas na bulaklak.

Pinangalanan nila itong makahiya.

Comments