Skip to main content

How to Prevent Colds and Flu

SIMULA na naman ng “flu season” sa Pilipinas na nag-uumpisa mula Hunyo at nagtatapos naman pagdating ng  Setyembre. Sa mga panahong ito, taun-taon ay patuloy pa rin na naghahanap ang bawat isa sa atin ng  posibleng solusyon upang di madaling dapuan ng sakit. 


Sa kasamaangpalad, ang medisina ay walang nag-iisang gamot na parang mahika na magpapawala sa  trangkaso at sipon. Masyado kasing kumplikado ang ating “immune system” o resistensya na siyang panlaban natin sa mga sakit na ito.


Sa halip, ang mga eksperto ay nagpapayo ng pagkakaroon ng balanseng “diet” sapagkat ang nakukuhang pinagsamang mga sustansya (nutrients) dito ay nagpapanatili ng pinakamatinding lakas ng katawan at resistensya.


Marami pang mga paraan ang mabisa laban sa “flu” at “colds”. Isa na rito ang tama at regular na pag-eehersisyo.

Huwag magpapagod ng sobra habang nag-eehersisyo sapagkat ang sobrang “exhaustion” ay panandaliang  nagpapagbagsak ng “immune system”.


Nakakaganda din ng resistensya ang regular na pagtulog at pag-inom ng maraming “fluids”. Sa kabilang  banda naman, ayon sa mga pag-aaral ang  problema  o “stress” at ang paninigarilyo (kasama na rito ang  pagiging “exposed” sa “secondhand smoke”) ay nagpapataas naman ng tyansang magkaroon ng sakit lalo na  sa baga.


 Ayon sa mga siyentipiko, ang pinak a i m p o r t a n t e n g “healthy habit” ngayong  mapeligrong panahon ng  trangkaso at sipon ay ang kaugalian ng tamang paghuhugas ng kamay (“proper hand washing”). 


Bukod  sa pagkakaroon ng bakuna laban sa “seasonal flu” at AH1N1, ang tamang paghuhugas ng kamay ay  ang mabisang sandata natin laban sa mga impeksyon. Hindi ang tamang antiseptic soap ang kailangan  upang masabing tama ang paghuhugas na kamay kundi, ang tamang paraan at tagal kahit pa ordinaryong sabon lang  ang gamit. Narito ang ilan sa kanilang mga rekomendasyon sa paghuhugas:


a. Gumamit ng sabon at maligamgam  na “running water”. 
b. Hugasan ng mabuti ang lahat ng parte ng kamay kabilang na ang “wrists”, “palms”, likod ng kamay, kuko  at ang ilalim ng mga ito.
c. M a g k a s a - mang kuskusin ang mga kamay sa loob ng di bababa sa 10 hanggang 15 segundo. 
d. Kapag magpupunas, gumamit ng “disposable towels” at iwasan ang mariin na pagpunas upang hindi mairita ang balat.


Mapapalayo din sa banta ng colds and flu viruses sa pamamagitan ng iba pang bagay at gawain na  kinabibilangan ng mga sumusunod:


Ø Kumain ng kamote. Ayon sa pananaliksik, ang pagkonsumo ng kalahating tasa ng kamote sa bawat araw  ay nakababawas sa panganib na pagkakaroon ng sipon at trangkaso ng 33%. Ito ay dahil sa “immunity- boosting beta-carotene”, na matatagpuan na natural sa ganitong uri ng gulay.
Ø Mag-relax. Kung magagawa rin naman, mainam na limitihan ang galaw ng katawan at magrelax. Kapag nakakaramdam at sumasagupa ng pressure ang katawan ay mas lalong tumataas ang antas at lebel ng “stress  hormone” na tinatawag din na “cortisol”. Kung sakaling mairerelaks ang katawan, napabababa ang  posibilidad ng pagkakaroon ng cold at flu ng hanggang 50%.
Ø Uminom ng salabat. Ang salabat ay nagdudulot ng sapat na nutrisyon na nakatutulong sa katawan upang  maayos na maitaboy ng white blood cells ang viruses sa katawan. Makakamit din ang benepisyong ito sa  pamamagitan ng pagsipsip ng ginayat na luya at paglalagak nito sa loob ng bibig. Mahusay din ang pagkonsumo ng kalahating tasa ng pinya, at ginseng tea. 
Ø Maglakad-lakad.  Lumabas sa pag-aaral na ang pag-eehersisyo ay mahusay sa pagpapakawala ng  tinatawag na “growth hormones”, isang chemical messenger na mainam na nakapagbibigay ng sapat na  pwersa sa white blood cells ng 55%, habang nakadodoble ito sa produksyon ng germ-killing anti-bodies. Mas magiging masarap ang paglalakad kung may makakasamang kaibigan, o ‘di kaya’y paggamit ang ipod  na maaaring pakinggan sa naturang gawain.


Ngayong nagsimula na naman ang panahon ng tag-ulan, ingat at tamang nutrisyon ang kailangan upang  makaiwas sa sakit. Maraming salamat ulit sa pagtangkilik sa kolum na ito ngayong linggo. Hanggang sa muli  mga kaibigan!

Comments