Skip to main content

How to prevent Kidney Disease

The month of June is the "National Kidney Month"

Sa pagdiriwang na ito ay nabibigyang pansin ang tamang pangangalaga sa ating mga “kidneys” o bato. Mahalaga ang kidneys sa ating kalusugan. Nakasalalay dito ang tamang balanse ng sustansya at “waste products” sa ating dugo. 

Mahalaga rin ito sa pagkontrol ng ating presyon sa dugo at pagkalat ng pamamanas sa katawan. Ang tuluyang pagkasira nito ay tiyak na magdudulot ng kamatayan. Ang “renal disease” o sakit sa bato ang pangpito sa sampung nangungunanang nakamamatay na sakit sa Pilipinas kayat kailangang magkaron ng sapat na kaalaman ang publiko kung papaano magkaroon ng malusog na bato. Dahil sa problemang ito  naitatag ang 
• Renal Disease Control Program (REDCOP) na siyang magkatuwang na programa ng 
• National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at ng 
• Department of Health (DoH). 
Kailangan ng high index of  suspicion o agad magpatingin sa doktor kung may kakaibang nararamdaman sa katawan.


Ang sakit sa bato ay maaaring walang makitang sintomas o palatandaan lalo na kung nasa early stage pa  lamang ito. 

Maaari lamang malaman ito kung magpapaeksamin ng ihi (urinalysis) o magpapasuri sa doktor. Kapag hindi agad naagapan o hindi agad nalaman ng isang tao na siya ay may sakit sa bato, maaari itong lumala at mauwi  sa estado ng hindi na maibabalik sa normal na kondisyon ng mga bato (ENDStage Renal Disease o ESRD). 

Ang urinalysis ng ihi ay mahalagang eksaminasyon. Makikita dito kung may problema sa bato o impeksyon  sa daluyan ng ihi. Malalaman mula rito kung may problema sa pagbabalanse ng kemikal o elemento ang  katawan gaya ng pagkakaroon ng asukal (glucose), albumin (isang uri ng protein), o dugo sa ihi. 

Madalas  ipagawa ang urinalysis o eksaminasyon ng ihi sa mga sumusunod na pagkakataon: 
• hirap o madalas na pag- ihi, 
• pamamanas  ng katawan, 
• kapag buntis, 
• pananakit ng tiyan, likod, o balakang, 
• kapag may dugo o nana sa ihi, habang sumasailalim sa gamutan (lalo na sa  kanser), at 
• kapag mananatili sa ospital.

Paano nga ba ang tamang pagkolekta ng ihi para sa urinalysis? 
• Una, siguraduhing malinis ang pwerta o ari. 
• Ihanda ang malinis at may takip  na lalagyan ng ihi. Kolektahin ang panggitnang ihi at huwag ang mga unang  patak ng ihi upang maiwasan ang kontaminasyon. 
• Takpang maigi ang sample at ibigay sa laboratoryo. 

Maraming bagay ang maaring makita sa urinalysis. Sinusuri dito ang kulay, mga elemento,  kemikal, reaksyon, at kung anuano pa. Kalimitan, kapag may impeksyon sa daluyan ng ihi, mataas ang tinatawag  nating White Blood Cells (WBC) dahil ito ang elementong lumalaban sa mga mikrobyo. Kapag mataas ang   bilang nito, ibig sabihin, may aktibong impeksyon na nilalabanan ang katawan. 

Makikita rin dito ang mataas na  bacterial count. Sa ilang pagkakat aon, maaring kakitaan ng Red Blood Cell  (RBC) ang ihi. Sa mga babaeng walang buwanang dalaw (menstruation) o sa mga lalake, hindi ito normal kung kaya’t maaring mangailangan  ng karagdagang pagsusuri. Ang ilang pang abnormal na resulta ay ang pagkakaroon ng glucose (asukal), albumin, mataas na kristal, maulap/malabong ihi, at masyadong mataas o mababang specific gravity. Ang urinalysis ay maaring ipagawa ng madalas kung may minomonitor sa ihi.  

Maari rin itong ipagawa matapos ang gamutan, halimbawa, sa impeksyon ng ihi. Sa simpleng eksaminasyon  na ito, malaki ang maitutulong nito upang malaman ng doktor kung ano ang problema ng pasyente. 

Narito ang ilan sa mga sakit sa bato at ang mga palatandaan o sintomas ng sakit sa bato:
• Urinary Tract Infection o UTI  -  Ito ay ang impeksyon o pamamaga ng daluyan ng ihi. Ito ay ang kondisyon ng pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato, sa ureter at sa pantog. Ito ay maaaring upper  urinary tract infection o lower urinary tract infection. Ang Upper UTI ay tinatawag ding “Pyelonephritis” o  Impeksyon sa bato kung saan ang sintomas o palatandaan ay nilalagnat, giniginaw, nagsusuka, pagsakit ng  tiyan o tagiliran, at pag-init ng katawan kapag umiihi. Samantalang ang Lower UTI na tinatawag ding  “Cystitis” o impeksyon sa pantog ay makakaranas ng sakit sa ilalim ng puson bago umihi.


• Glomerulonephritis. Ito’y sakit sa bato kung saan namamaga ang mga maliliit na ugat sa Nephrons o “blood filters” sa loob ng kidneys. Kalimitang nagkakasakit nito ay mga bata. Ang maaaring pagsimulan nito ay  tonsillitis, pharyngitis, o maging impeksyon sa balat. Ang sintomas nito ay ang pamamanas, altapresyon,  pamumula ng ihi, kulay tsaa o “coke” na ihi, at pagdalang ng ihi.


• Nephrosis o Nephrotic Syndrome. Ito’y kondisyon ng pagkakaroon ng sobrang protina sa ihi at sobrang  pamamanas ng katawan na may kasamang ihi na mabula. Nakikita din dito ang pamamanas ng talukap ng  mga mata, mukha, mga binti at paa, pisngi, at tiyan. 

• Renal Calculi. Ito ay kondisyon ng pagkakaroon ng bato (stone) sa kidneys. Ang sintomas nito ay ang  masakit na pag-ihi, pagkakaroon ng dugo sa ihi, at paulit-ulit na sakit sa may tagiliran.

• Renal/Kidney Failure. Ang palatandaan nito ay ang pagkahilo, pagsakit ng ulo, pagsusuka, hindi  pagkatulog, pagkawala ng malay tao, pamumutla, pagkonti ng ihi, pamamanas, hirap sa paghinga, at pag-itim  o pangangati ng balat. Ang tatlong nangungunang sanhi ng kidney failure ay ang mga sakit na diabetes,  hypertension o altapresyon at ang glomerolunephritis. Tinatayang 87 porsyento ng sakit sa kidney ay bunga  ng tatlong sakit na nabanggit. 

Sa kasalukuyan, may 13,000 pasyente na ang dina-dialysis at 1,067 nito ay mula sa Region IVA. Upang  maiwasan ang lifestyle diseases tulad ng diabetes at hypertension, kinakailangang magkaroon ng proper diet,  Mag-ehersisyo, uminom ng maraming tubig, iwasan ang stress, gayundin ang pag-iwas sa masasamang bisyo  tulad ng paninigarilyo. Kailangan ding magkaroon ng regular check-up lalo na kung tumatanda na upang  maagapan at maiwasan ang anumang sakit o karamdaman lalo na kapag sakit sa bato ang pinag-uusapan. 

Mahalaga aniya ang kasabihang, “Early detection, early intervention”.

Comments