Skip to main content

The Threat of HIV or AIDS


The Philippines are one of the seven countries in the whole world that has HIV cases that are continuously rising.

The truth is ages 25-45 years old are the ones who are mostly affected by this disease. These are the age range wherein people are productive in terms of sex and work.

It is said to be that 30% that are listed with HIV in the Philippines are at the age range of 15 to 24 years old.

According to the "Young Adult Fertility Survey" the age of having sex in the Philippines are getting younger and younger.

For males having sex starts at the age of 14 and on female is at the age of 17. In addition to this are the freedom of  youngster to get unlimited access  of the internet.

Ito ay pinatunayan ng isang survey na nagsasabing ang pangunahing paraan upang makilala ang kanilang mga  katalik ay sa mga “social networking” tulad ng facebook at twitter. 

Ayon din sa mga kabataang may HIV, inakala nilang sila ay hindi tatablan ng sakit na ito sa kadahilanang sila  ay bata, malakas at nasa rurok ng kanilang kalusugan. 

Ang  “omnipotent complex” na ito ng mga kabataan ay naglalagay sa kanila sa matinding panganib mula sa  isang sakit na walang lunas.

Sinu-sino nga ba ang higit na nanganganib na magkaroon ng HIV infection? Ayon sa Philippine National AIDS Council, may tatlong pag-uugali o sexual practices na high risk.

Ito ay ang sumusunod: 
Male having sex with male or MSM,
commercial sex workers at
injecting drug users.

Ayon sa mga pagaaral, ang anal sex ay 10 beses na higit na mapanganib na nakahawa ng HIV at iba pang  sexually transmitted infections kaysa sa vaginal sex. Ito ay sa kadahilanang ang puwit o “anus” ay higit na  masikip kaysa sa pwerta ng isang babae. Ito din ay hindi nagkakatas at dumudulas sa panahon ng sexual arousal kaya ito ay madaling magasgas o masugatan na syang dahilan ng pagkahawa sa impeksyon.

Ayon sa datos ng National Epidemiology Center 80% ng nakatalang HIV sa Pilipinas at mga lalakeng  homosexual o bisexual. Taliwas ito sa unang mga naitalang kaso kung saan mga babaeng sex workers ang  higit na apektado. 

Ang itinuturong dahilan ng pagkahawa ay ang hindi paggamit ng condom tuwing nakikipagtalik. Paano nga ba  nakukuha ang HIV? May apat na likido sa katawan ng tao na nagtataglay ng mataas na konsentrasyon ng  virus: dugo, semen o tamod, vaginal fluid o katas ng babae at gatas ng ina. 

Hindi nakahahawa ang pakikipaghalikan sa taong may HIV sapagkat hindi nakakahawa ang laway, pawis,  ihi, dumi o luha. Ilan pa sa mg nararapat malaman ukol sa HIV ang mga sumusunod: 
Ø Ang HIV ay hindi nakukuha sa kagat ng lamok.
Ø Hindi malalaman sa hitsura lamang kung isang tao ay may sakit na HIV.
Ø Hindi makukuha ang HIV sa paggamit ng public toilet o pagligo sa swimming pool.

Ø Ang pagsasalo ng kubyertos at pagkain ay hindi maaring makahawa ng HIV.
Ø May libreng HIV testing sa Cavite City Social Hygiene Clinic at sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) sa Trece Martires City.
Ø Ang HIV testing ay “strictly confidential” at may kaakibat na pre at post-testing counseling. 
Ø Ang isang HIV positive na tao ay maaaring mamuhay at makapagtrabaho ng normal sa tulong ng mga  “anti-retroviral drugs” na libre mula sa mga treatment hubs.
Ø Mayroong batas na nagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng taong HIV at AIDS. 

Tandaan na ating responsibilidad ang ating sariling kalusugan. Huwag hayaang nakawin ng HIV ang ating  dangal at kalayaan. 

Comments